TALUMPATI
: TUGON NG MGA KABATAAN SA MGA ISYU NG LIPUNAN
NI
JESCA MAY D.C DUQUE
Bilang isa sa kabataan ngayong
henarasyon ano nga ba ang mga isyu o suliranin ng lipunan ngayon ? Base sa mga
naririnig at nakikita ko sa social media nagrereklamo na ang mga OFW dahil ang
pinapadala nilang balik-bayan box ay binubuksan ng custom official para suriin
kung may illegal na kargamento nagagalit sila kase nauuna pa ang custom
official mag bukas kesa sa mga pamilya nila .
Pangalawa sa isyu ay ang mahabang
traffic sa EDSA na hindi man lang masulusyonan ng gobyerno. Patuloy na dumadami
ang mga sasakyan at dahil dito hindi maiwasan ang aksidente na nagdudulot ng
pagkamatay ng ibang tao.
At ito pa sa darating na eleksyon
naglalaban ang bawat isa nililinis nila o pinapaganda nila ang sarili nila para
pagkatiwalaan ng ibang tao para manalo sinisiraan nila ang magiging kalaban
nila
Pagkatapos nito dito na papasok ang
korapsyon maraming palitiko ang gustong manalo para sa perang makukuha nila.
Hindi nila iniisip ang mga taong naghihirap na walang kakayahang baguhin ang
kani-kanilang buhay na naghihintay ng biyayang darating para maka-alis sa
ganitong klaseng buhay pero wala silang puso at winawaldas lang nila ang perang
nakukuha nila.
Sa edukasyon nagkaroon ng pagbabago
nadagdagan ng dalawang taon ang mga magaaral
maraming magulang ang nagrereklamo dahil sa nadagdagan na naman ang
gastusin nila kaya maraming istudyante na napipilitang tumigil sa pag-aaral
Ang susunod ay ang China inaagaw nila
ang pag mamay-ari ng pilipinas malaking panganib ang haharapin ng Pilipinas sa
kamay ng China walang kalaban-laban ang pilipinas dito at walang kawani ng
gobyerno ang kumikilos kung meron man kaunti lang sila .
Marami pang ibang isyu ang lipunan na
sinasapit ng bansa at bilang kabataan hahanap ako ng paraan o tutulong para
malutas ito o di kaya ay makiisa sa mga programa maaaring makatulong dito.
Mahusay :) Maraming salamat sa naibahagi mong kaalaman...
TumugonBurahinulul
BurahinAno ano ang mga isyu ng lipunan
TumugonBurahinMga kabataang nalululong at nasasangkot sa paggamit ng bawal na gamot
BurahinWell explained! Thanks! - Sakit.info
TumugonBurahin