Miyerkules, Setyembre 2, 2015


TALUMPATI : TUGON NG MGA KABATAAN SA MGA ISYU NG LIPUNAN

                                                                                            NI  JESCA MAY  D.C DUQUE

Bilang isa sa kabataan ngayong henarasyon ano nga ba ang mga isyu o suliranin ng lipunan ngayon ? Base sa mga naririnig at nakikita ko sa social media nagrereklamo na ang mga OFW dahil ang pinapadala nilang balik-bayan box ay binubuksan ng custom official para suriin kung may illegal na kargamento nagagalit sila kase nauuna pa ang custom official mag bukas kesa sa mga pamilya nila .
Pangalawa sa isyu ay ang mahabang traffic sa EDSA na hindi man lang masulusyonan ng gobyerno. Patuloy na dumadami ang mga sasakyan at dahil dito hindi maiwasan ang aksidente na nagdudulot ng pagkamatay ng ibang tao.
At ito pa sa darating na eleksyon naglalaban ang bawat isa nililinis nila o pinapaganda nila ang sarili nila para pagkatiwalaan ng ibang tao para manalo sinisiraan nila ang magiging kalaban nila
Pagkatapos nito dito na papasok ang korapsyon maraming palitiko ang gustong manalo para sa perang makukuha nila. Hindi nila iniisip ang mga taong naghihirap na walang kakayahang baguhin ang kani-kanilang buhay na naghihintay ng biyayang darating para maka-alis sa ganitong klaseng buhay pero wala silang puso at winawaldas lang nila ang perang nakukuha nila.
Sa edukasyon nagkaroon ng pagbabago nadagdagan ng dalawang taon ang mga magaaral  maraming magulang ang nagrereklamo dahil sa nadagdagan na naman ang gastusin nila kaya maraming istudyante na napipilitang tumigil sa pag-aaral
Ang susunod ay ang China inaagaw nila ang pag mamay-ari ng pilipinas malaking panganib ang haharapin ng Pilipinas sa kamay ng China walang kalaban-laban ang pilipinas dito at walang kawani ng gobyerno ang kumikilos kung meron man kaunti lang sila .

Marami pang ibang isyu ang lipunan na sinasapit ng bansa at bilang kabataan hahanap ako ng paraan o tutulong para malutas ito o di kaya ay makiisa sa mga programa maaaring makatulong dito.